Friday, January 29, 2010

Kwentong Batanggenyo 3

Kwentong Batanggenyo 3
UNANG KWENTO:

1. Ala! Ang bata na nakagat ng guyam ay atungal na, bago ginalaw pa naman ng kapatid kaya lalong nag alma. Hanggang sa nagalit ang ina. Iyon, napag asbaran pa. Medyo naulaga yata, kaya kumaripas ng takbo at patikar na.

Mandin kay nagsungasob digat na harhar ang lulor. Banday kana ay ina, napaawa naman. Ang sabe'y "Siya parine at ikaw ay humambo muna at napakatubal na ng iyong salapot." Pinagsabihang "huwag kang magdadamusak at paldak na ang ating bang bang. Pagka ikaw ay napasal, kumain ka na at pig-an mo ng kalamunding ang hawot. Pagkatapos mong maghiso, ikaw ay papundo na laang at huwag kang a-adyo kung saan saan, at baka ka mag sungaba ay buringki ka."

Aba! Tilig nga naman ang bata. Bago maya maya ay panay na naman ang yaw yaw. At tutuong ipinagpapa arak 20 ang laruan. Ngay-oy nahili ang kapatid, hanggang sa nagkaribok. Ala! Di laang na namang nagarote. Ka antak din ng mga pangyayari.

Magara ga ire? Sa siya at akong magpapamulay pa at kailangang ko ng salapi.

Pagkatapos ng inyong hagalpakan, ala eh paki pasa na lang sa mga dugong ala eh.



KALAWANG KWENTO:

Isang dukhang binatilyong Batangueno ang nakasaksak ng taga-Maynila sa town plaza nung kapistahan ng kanilang bayan. Sa Maynila ginanap ang hearing. Dahil mahirap lamang si Batangueno, at walang aral, mag-isa na lamang nagpunta sa Maynila. Nagpahatid na lamang sa bus terminal at lumuwas kahit wala siyang alam.

Sa korte:

Judge: "Iyo ngang isalaysay ang tunay na pangyayari:"

Batangueno: "Aba eh, ako ho'y paligor-ligor lamang sa plaza, yan ga namang hong salibuy-buyan nang salibuy-buyan ang mga tao, eh may isang timalog na babangla-bangla ay aking nasangge ng kaunti. Aba'y bigla ho akong nasampiga. Ala, yung dukot ko ho ng aking kampit, bigla kong sinakyod, inabot ko sa tagiliran, inuraol ko ng inuraol, di pangga-aw na ho.

Nagkaribok ngayo n ang mga tao, nangagsikamod ng takbo. Mga damit ho kung saan saan nasang-it, pinutot ko hong maigi, ah kung inabot ko pa uli'y siguradong tilhak sya sa akin."

Pinaulit ng Judge at yun uli ang sinabi. Sumuko na ang judge at hindi maintidihan kahit ilang ulit ang salaysay. Na-dismiss tuloy ang kaso.


Source: www.batanggenyo.net

No comments:

Post a Comment